Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

DOLE-TUPAD | Program Payout Distribution sa Bayan ng Laur – August 03, 2023

Naging matagumpay ang isinagawang pay-out para sa mga benepisyaryo ng TUPAD mula sa programa ng DOLE (Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers). Pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ang pagbibigay at pagpapamahagi ng tulong pinansyal. Limang daan at animnapu’t siyam (569) na benipisyaryo ang nabigyan ng tulong pinansyal, bunga ng kanilang pagtatrabaho.
Ang programang ito ay naitatag sa pakikipag-isa ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Senator Grace Poe katuwang ang ating Cong. Rosanna “Ria” Vergara bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga nawalan ng hanapbuhay.
Mga kababayan, tulad ng ipinangako ng ating Punong Bayan, serbisyo ang lalapit sa tao, hindi tao ang lalapit sa serbisyo.
Maraming salamat po sa lahat ng naki-isa at naging bahagi ng programang ito.
#DOLETUPAD2022
#payout
#bayannglaur