Skip to main content

DOLE Technical and Advisory Services – September 14, 2023

Mapagpalang araw po mga kababayan!
Sa pangunguna ng ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus , nagsagawa ng Technical and Advisory Services ang Department of Labor and Employment (DOLE) representative na sina Senior Labor and Employment Officer Mr. Zoren T. Amat at Mrs. Rosario Campos, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa mga kababayan nating mayroong maliliit na negosyo.
Naipaliwanag dito ang kalahagahan at kondisyon sa pagtatrabaho na dapat sundin ng mga employer at empleyado, tulad ng mga uri ng trabaho, oras ng pagtatrabaho, minimum na sahod, mandatoryong benepisyo, holiday, araw ng pahinga, at mga karapatan sa pagtatrabaho. Nais ng ating butihing Punong Bayan na maproteksyunan ang lahat ng manggagawa dito sa ating bayan.
Nagbigay din ng Certificate of Participation ang DOLE sa mga kababayan nating dumalo sa ating programa. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa aming programa.
Maraming salamat po.
#mayortupe
#doletechnicaladvisory
#pesolaur

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija