Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Distribution of PWD ID and Booklets | October 18, 2023

“SERBISYO ANG LALAPIT SA TAO”
Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Sa patuloy na paglilingkod at pagmamalasakit ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang sina OIC-PDAO Sir Daniel S. Novilla Jr. at Ma’am Julie Ann Cudia (PWD Focal Person), labing isa (11) po nating mga PWD na kababayan ang nabigyan ng libreng PWD ID at booklets. Kasabay naman po nito ay nagkaroon din ng kaunting kwentuhan at kumustahan na may kaugnayan sa kanilang mga kalagayan.
Isa nga po sa mga nagtungo sa ating opisina ay ang isang batang lalaki, at siya po ay nabigyan ng mga vitamins at mga gamot para sa kanyang maintenance. Kasabay rin nito ay inalam ng ating Punong Bayan ang kanilang mga request at kahilingan. May ilan din po tayong mga PWD na kababayan na ating hahatiran ng serbisyo sa kanilang mga tahanan.
Hangad lamang po ng ating Punong Bayan na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan. Kaya naman, sama-sama po nating suportahan ang mga magagandang adhikain ng ating Mayor para sa ating bayan at higit lalo para sa lahat ng mamamayan ng Laur, Nueva Ecija.
Katulad po ng ipinangako, tuloy-tuloy po na serbisyo ang lalapit sa tao hindi tao ang lalapit sa serbisyo.
Maraming Salamat po!
#mayortupe
#serbisyoanglalapitsatao
#LAURNUEVAECIJA