Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

CSC Month Celebration 2023 (Thanksgiving Mass) | September 04, 2023

Isang misa ng pasasalamat ang ginanap sa ating bahay pamahalaan ngayong umaga na pinangunahan ni Rev. Fr. Eliezer P. Malubag, bilang pagsalubong at selebrasyon ng ika-123rd Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes”.
Dinaluhan ito ng ating Ama ng Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, kasama ang ibang miyembro ng Sangguniang Bayan, at ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
Bilang pagdiriwang ng Anibersaryo ng Civil Service Commission of the Philippines, isang pagsaludo sa ating mga lingkod-bayan na
patuloy na nagtataguyod at nagsusumikap para sa kinabukasan at ikauunlad ng ating minamahal na bansa.
Manatili tayong nakatuon sa mga prinsipyo ng mabuting pamamahala, at tumalima sa ating sinumpaang tungkulin sa ating bayan, ang maghatid ng mahusay at may pusong pamumuno.
Mabuhay ang mga LINGKOD BAYAN!
#philippinecivilserviceanniversary2023
#pcsa2023
#LAURNUEVAECIJA