
CSC Month 2023: Photography Contest
Mapagpala at Magandang Araw mga Kababayan!
Kaugnay po sa ating pagdiriwang ng CSC Month, amin pong inaanyayahan ang lahat na makibahagi at sumali sa ating Photography Contest.
na may temang: “Pagbabago ng Serbisyo Publiko sa mga Susunod na Dekada: Paghahasa ng Kahandaan at Kasiglahan ng mga Lingkodbayan para sa Kinabukasan”
RULES:
1. Siguraduhing naka-like and follow sa ating official Facebook Page ang mga lalahok sa ating Photo Contest.
2. Ang contest ay bukas para sa lahat ng LAUREANS, higit na hinihikayat na makisali ang mga empleyado ng gobyerno na nabibilang sa kahit anong ahensya dito sa Laur.
3. Ang bawat entry ay dapat nakaayon sa tema ng selebrasyon na unang nabanggit.
4. Isang entry lamang ang maaaring ipadala ng bawat kalahok.
5. Ang entry ay maaaring ipadala bilang JPEG o PNG format sa [email protected] kalakip ang inyong pangalan, address, at contact number at pagpapaliwanag sa larawan kasabay ng inyong entry.
6. Ang inyong entries ay nararapat maglaman o magpahayag ng inyong pananaw kung paano ginaganap ng Pamahalaang Bayan ng Laur ang makabagong pagbabago tungo sa patuloy at mahusay na serbisyo publiko.
7. Ang lahat ng entry ay dapat ipadala sa ating gmail account at panatilihin ang confidentiality ng inyong entries hanggang mai-announce ang winners.
8. Ang DEADLINE OF SUBMISSION ay magtatapos sa SEPTEMBER 11, 2023 sa ganap na alas singko ng hapon.
9. Ang scores ng bawat entry ay magmumula facebook reactions sa bawat isang larawan (50%) at panel of judge base sa itinakdang criteria (50%).
10. Ang larawan ay personal na kuha ng kalahok gamit ang anumang device at siguraduhing walang watermarks o tatak na magpapakilala sa may-ari nito o lalabag sa copyright law. Ang lalarawang gagamitin ay isasali sa unang pagkakataon at hindi pa ginamit sa anumang kompetisyon.
Halina’t ipakita ang iyong likha at kahusayan sa pagiging Maniniyot (Photographer).