Skip to main content

Courtesy Visit | June 02, 2023

Bumisita ang ating kababayan na ngayon ay reigning World Boxing Association (WBA) Asia South Flyweight Champion na si Vince “El Latigo” Paras sa ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus.
Sa kanyang huling laban noong May 13, 2023, tinalo ni Vince si Ayumu Hanada ng Japan via unanimous decision.
Nakatakda din siyang lumipad papuntang America sa Setyembre upang Lumaban sa Flyweight Division at Undercard ni John Riel Casimero.
Lubos na ikinatuwa ng ating Mayor ang karangalang ibinigay ni Vince sa ating bayan at sa buong bansa kung kaya’t nagbigay siya ng Suportang Pinansyal at nangakong patuloy siyang susuportahan sa kanyang mga susunod pang laban.
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija