
Community-Based Financial Management Training ng DSWD FO III KALAHI CIDSS NCDP-AF
Magandang umaga po sa ating lahat.
Naisagawa at maayos na natapos ang Community-Based Financial Management Training ng DSWD FO III KALAHI CIDSS NCDDP-AF para sa ating mga Community Volunteers sa Bayan ng Laur noong November 14-15, 2022 na ginanap sa magkahiwalay na venue ng Barangay Sagana Covered Court at Barangay Uno Hall.
Ang layunin ng pagsasanay na ito ay mapahusay pa lalo ang Community-Based finance principles, policies, at methodologies ng ating mga Community Volunteers. Gayundin, itinuturo rito ang iba’t ibang finance forms at documents na magagamit nila sa sub-project implementation para sa mas maayos na paghawak at pagmonitor ng bawat galaw ng pondo ng kani-kanilang sub-project sa bawat Barangay.
Maraming salamat po sa patuloy na pagtutulungan at kooperasyon ng ating Area Coordinating Team (ACT) and Municipal Coordinating Team (MCT) of Laur headed by Ma’am Daisy May Lamigo-De Taza, RP Joane Clarice B. Cuevo Mun. Financial Analyst, Joseph Argel R. Delizo Tech. Facilitator, Community Empowerment Facilitator – Mariell Gacayan, Liwayway G. Gabriel and John Charles Dela Cruz, Municipal Community Empowerment Facilitator – Jocelle Paragatos, Jefferson Cablao and Sydney Sindanum, Mun. Data Encoder Nelson Anastacio, Mun. Technical Facilitator Sedfrey P. Castro with the Support of the LGU Laur especially the Local Chief Executive Mayor Atty. Christopher B. Daus in coordination with OIC MSWDO Jezreel DF. Talanay.
Sama-sama po nating saksihan ang mas pinahusay na pagpaplano para sa bawat barangay gayun din ang pagkakaroon ng kalidad ng isang pinuno, kaugnay ng tuluy-tuloy na pag-unlad sa Bayan ng Laur.
Muli, Maraming salamat po sa inyong lahat.