Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

CLEARING OPERATION

September 26, 2022

Tuluy-tuloy ang paglilingkod ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus sa ating Bayan. Kasama ang mga masisipag na kawani ng BFP Laur, PNP Laur, MDRRMO, MENRO, MSWDO, Engineering Department at mga kawani ng Pamahalaang bayan. Mula kagabi ay nagumpisa na at nagtulung-tulong ang ating mga opisyal upang maiayos ang mga daan na naharangan ng mga nagbagsakang puno gayun din upang matugunan at marespondehan ang mga kababayan nating naapektuhan at nasalanta ng Bagyong Karding.
Magdamag rin nakamonitor at nagsagawa ng rescue operation ang ating mga kawani.
Patuloy pa rin ang pag-inspeksyon sa ating mga barangay para sa mabilis na pagkilos sa panahon ng pangangailangan. Bagamat nakaalis na ang bagyo sa ating lugar, patuloy pa rin ang pagmomonitor at pagiikot ng ating mga kawani ng Bayan upang masigurado ang kaligtasan ng lahat.
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng Rescue Operation. Kayo ang tunay na mga bayani ng ating bayan, ipinagmamalaki namin kayo.
#ROADCLEARINGOPERATION
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#MayorTupeDaus