Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Clean up Drive, Kwentuhan at Kamustahan sa mga Kabataan | September 30, 2023

Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Bilang progresibong pagtatapos ng Buwan ng Setyembre, nagsagawa muli ng lingguhang Clean-up Drive sa pangunguna ng ating lingkod Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang
mga kabataan na miyembro ng TEAM RESPECT, Brgy. Captain Zosimo G. Tabing Jr. Gayundin ang pakikiisa ng mga kawani ng Brgy. Siclong, Laur, Nueva Ecija.
Matapos ang sama-samang paglilinis at pagsasaayos ng mga basura, tumungo naman ang ating Punong Bayan sa Brgy. Siclong Multipurpose Gym. Doon ay nagkaroon ng kaunting kumustahan, kwentuhan, at pagbibigay ng makabuluhan at inspirasyonal na mensahe para sa mga kabataan. Hinihikayat din ang ibang mga kabataan na makiisa sa hangarin at layunin ng Team Respect.
Hangad lamang po ng ating Punong Bayan sa mga kabataan ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang samahang Team Respect po ay nagbibigay oportunidad sa mga kabataan na malinang ang kani-kanilang mga kakayahan, maging mabuting huwaran sa kapwa kabataan, mahubog bilang mabuting mamamayan at makapaglingkod sa bayan.
Patuloy po naming inaanyayahan ang ating mga kabataan na maging bahagi ng samahan ng TEAM RESPECT. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa TEAM RESPECT Leader sa inyong barangay o kay Mr. Arcie E Tulaban ng TEAM RESPECT.
Maraming Salamat po!
#TeamRespect
#KabataanPagAsaNgBayan
#LAURNUEVAECIJA