
Cash for Work Payout
Sinimulan na ang pamamahagi ng sahod o payout ng 380 residente sa Laur, Nueva Ecija na benepisyaryo ng Cash for Work sa ilalim ng Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation Mitigation-Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM-DRR) na programa ng DSWD. Ito ay ginanap sa Brgy. Siclong Multipurpose Gym at naging matagumpay sa patuloy na pagsuporta at paglilingkod ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang si OIC-MSWDO Ms. Jezreel D.F. Talanay, sa pangunguna nina Ms. Marijune Munsayac (Assistant PSWD Officer), Ms. Melanie Calupe (Social Welfare Officer I), at Sir Juanjomasus Esteban (PSWDO Personnel).
Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 4,200 pesos sa loob ng sampung araw na pag tatrabaho sa komunidad kabilang na dito ang pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang mga barangay, at tree growing/planting activity.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo ng Cash for Work dahil malaking tulong ito at magagamit sa kanilang pang araw-araw na gastusin at pangangailangan.
Muli, walang hanggang pasasalamat sa DSWD sa walang patid na pagbibigay suporta sa aming mga mamamayan.
#cashforwork