Skip to main content

CASH FOR WORK (CFW) PROGRAM FOR PERSONS WITH DISABILITY

“CASH FOR WORK (CFW) PROGRAM FOR PERSONS WITH DISABILITY”
Sa pangunguna ng ating butihing PunongBayan Atty. Christopher “Tupe” Daus at OIC MSWDO, Ms. Jezreel DF. Talanay katuwang ang PWD Focal Person Ms. Julie B. Cudia at OIC PDAO, Mr. Daniel Novilla, ay naisakatuparan na at muling naibalik ang Cash For work program para mga kababayan nating may kapansanan.
Ang programang ito ay naglalayong magbahagi ng suportang pinansyal para sa kanilang ginawang gawaing pang komunidad (Community Service).Saklaw ng programang ito ang 77 benificiaries sa labinlimang (15) barangay na nagmula sa listahan ng Regional Office. Sila ay nakatanggap kahapon (June 5, 2023) ng ₱4,500.00 bilang kapalit ng kanilang pansamantalang pagtatrabaho ng sampung araw sa komunidad.
Maraming Salamat po sa lahat ng nanguna at sumuporta sa napakagandang programang ito. Hangad po namin na mas marami pang kababayan ang inyong matulungan.
#PWD
#mayortupe
#wecare
#LAURNUEVAECIJA

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija