Skip to main content

Brigada Eskwela Kick-Off Program for S.Y. 2023 – 2024 | August 14, 2023

“Bayanihan Para Sa Matatag na Paaralan”
Mapagpalang Araw po sa ating lahat!
Ngayong araw ay ang opisyal na pagbubukas ng 2023 BRIGADA ESKWELA na may temang “Bayanihan Para Sa Matatag na Paaralan”. Ang mga guro, magulang, mag-aaral, at iba pang mga panauhin (PNP, BFP, AFP, TEAM RESPECT, BARANGAY CAPTAIN) ay nakibahagi sa unang araw ng brigada eskwela.
Personal itong dinaluhan ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, at nagpaabot ng mensaheng pasasalamat para sa mga guro, magulang, kapitan ng barangay, at mga kawani ng pamahalaan dahil sa pakikiisa sa gawaing pampaaralan. Ang mga paaralan na kasamang dinaluhan ng ating Punong Bayan ay ang Canantong Elementary School, Hilario E. Hermosa Memorial High School, San Fernando Elementary School, Laur Central Elementary School, at Jeorge M. Padilla National High School.
Nilalayon ng Brigada Eskwela na pagtibayin ang pagbabayanihan ng komunidad at ang mahahalagang tungkulin ng mga guro, mag-aaral, at magulang sa pagpapabuti sa kapaligiran ng paaralan. Sama-sama, pinapaunlad nila ang isang kaaya-ayang kapaligiran, at tinitiyak na ang mga mag-aaral ay makatatanggap ng de-kalidad na edukasyon at isang positibong karanasan para sa S.Y. 2023-2024.
Muli, sama-sama nating simulan ang S.Y. 2023-2024 nang may saya at sigla.
Maligayang balik-eskwela mga mag-aaral!
Maraming Salamat po.
#BrigadaEskwela2023
#schoolyear2023_2024
#mayortupe

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija