Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

BRIGADA ESKWELA 2023 | August 17, 2023

Sa pagpapatuloy ng Brigada Eskwela 2023, tumugon ang ating mga kawani mula sa MENRO at BFP sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, sa panawagan ng Ricardo Dizon Canlas Agricultural School (RDCAS) at Laur Central Elementary School upang makibahagi sa Brigada Eskwela na may temang “Bayanihan Para Sa Matatag na Paaralan”.
Bilang pagpapakita ng pagbabayanihan, nakibahagi ang mga kawani mula sa MENRO at BFP sa pagsasaayos at paglilinis tungo sa kaaya-ayang kapaligiran ng paaralan. Ito ay isang hakbang upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik eskwela at magkaroon ng positibong karanasan para sa S.Y. 2023-2024.
Kaya naman, lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na nakibahagi sa ating Brigada Eskwela.
Maraming salamat po!
#BrigadaEskwela2023
#BayanihanParaSaMatatagNaPaaralan