Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Briefing at Orientation para sa Crop Assistance Loan

December 16, 2022

Kaugnay ng briefing at orientation para sa Crop Assistance Loan, isinagawa na ang Awarding of Cheque sa ating 15 farmer associations/cooperative na napabilang sa Crop Production Loan Assistance Program ng Municipal Agriculture Office.
Sa pangunguna ng ating Butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang ang Municipal Agriculturist na si Mr. Alvin C. Agbayani, ay ipinahiram sa bawat isang asosasyon ng puhunan upang magamit ng samahan bilang kanilang panimulang puhunan sa pagsasaka mula sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Karding.
tuluy-tuloy lamang ang serbisyong hatid para sa ating mga kababayan tungo sa mas lalo pang pag unlad ng Bayan ng Laur.
Maraming salamat po.
#LAURNuevaEcija
#MayorTUPE
#RESPECT