Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Blessing and Formal Opening of Classes (San Isidro National High School-JMPNHS ANNEX) | October 03, 2023

Matapos ang mahabang paghihintay, pormal nang binuksan ang San Isidro National High School (JMPNHS ANNEX). Ang mga bagong silid-aralan na ito ay sumisimbolo ng isang magandang kinabukasan at dito mahuhubog ang mga pangarap ng ating mga anak.
Personal naman itong dinaluhan ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus upang masaksihan ang napakahalagang kaganapan na ito para sa ating mga mag-aaral, magulang, mga guro, at maging sa ating mga kababayan.
“Kayo ang magsisimula at sana sikapin ninyo na sa inyong pagsisimula, mag-aral kayong mabuti. Ang eskwelahang ito ang magbibigay ng magagaling na estudyante at maraming magagaling na propesyunal. Kaya para sa ating mga kabataan, mag-aral kayong mabuti.” Hangad lamang po ng ating Punong Bayan na ang bawat kabataan sa ating bayan ay magkaroon ng magandang kinabukasan sa loob ng maayos at komportableng paaralan.
Kaya po sa lahat po ng naging instrumento upang maisakatuparan ang pagbubukas ng napakagandang proyekto na ito, kina Hon. Amado Galvez (Brgy. Chairman-San Isidro), Ma’am Lulu B. Diamante, PhD (SDO Laur Annex, PSDS), Ma’am Evelyn DR. Reyes, PhD (School Principal), sa lahat ng mga guro ng San Isidro National High School, at gayundin sa mga magulang na patuloy na sumusuporta, maraming maraming salamat po!
#LAURNUEVAECIJA
#SanIsidroNationalHighSchool
#mayortupe