Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Better Than a Thousand Days of Diligent Study is One Day with a Great Teacher. – Japanese Proverb

October 6, 2022

Sabay-sabay po nating pasalamatan ang paglilingkod ng ating Principal II ng JMPNHS, Ma’am Marlie C Eduardo. Bilang pagpapakita ng kagandahang-loob at pagpapahalaga, dumalo ang ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus upang bumisita at magpaabot ng mensahe bilang pasasalamat at pagkilala sa kalidad na serbisyo publiko na kaniyang inialay.
Maraming salamat po sa pagsisilbi at pagbabahagi ng inyong karunungan at angking galing sa ating mga mag-aaral.
Kasabay nito, masigla po nating salubungin ang bagong principal ng mataas na paaralan ng JMPNHS na si Ma’am Evelyn Del Rosario Reyes na nagmula sa Leonor M. Bautista National High School.
Kami po ay naniniwala na sa ilalim ng inyong pamumuno, ang JMPNHS ay patuloy na aangat para sa kahusayan at huhulma pa ng mas maraming estudyanteng magiging mahusay na pinuno at mamamayan sa bayan ng Laur.
#MayorTUPE
#Respect
#LAURNUEVAECIJA
#JMPNHS