
BALITANG KALUSUGAN
Magandang araw Laureans.
Sa pagmamalasakit at pangunguna ng ating Amang Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, ilulunsad po ang TB Mass Screening with Free Mobile Chest X-ray Program sa lahat ng barangay ng ating bayan para sa Annual Chest X-ray Examinations.
Ang Tuberculosis Preventive and Control Program ay isang uri ng programa ng ating pamahalaan na ginagawang prayoridad ang paggamot at paglaban sa sakit na TB sa ating Bayan.
Sino-sino ang maaaring dumalo sa nasabing programa?
1. Taong inuubo ng dalawang linggo o higit pa, pumapayat, nawawalan ng ganang kumain, nilalagnat sa hapon o gabi, masakit ang likod o dibdib at sobrang pagpapawis
2. May edad 15 taong gulang pataas
3. Mga kasambahay ng naggagamot ng anim na buwan sa baga
4. Senior Citizens
5. Mga Brgy. Officials, Tanod ng barangay
6. Mga Drivers, LATODA LAJODA
7. SMOKERS
8. May sakit na diabetes
9. BHW, BNS
10. Myembro ng 4Ps
Inaasahan namin mga kababayan ang inyong pagpapakita ng aktibong pagsuporta sa nasabing programa. Marami tayong matutulungan at maililigtas sa karamdamang ito.
Narito sa baba ang schedule ng araw at lugar kung anong barangay at oras po kayo maaaring pumunta.
Maraming salamat po.
Credits to: RHU LAUR