Awarding of Dangal ng Lahi 2022 and 6th Asia-Pacific Luminare

“Awarding of Dangal ng Lahi 2022 and 6th Asia-Pacific Luminare”
Ating pong salubungin ng mainit na pagbati ang ating SK Chairperson San Fernando, Kgg. Jhomar Ordonio Soriano sa kanyang mga tinanggap na parangal bilang “Most Inspiring Young Public Servant and Remarkable Humanitarian Advocate of the Year “mula sa Dangal ng Lahi 2022 at Asia Pacific Luminare Award,  sa Davao City at Parañaque City, Metro Manila.
Binigyang pagkilala ng Dangal ng Lahi ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na naghatid ng relief goods at impormasyon sa mga epekto ng droga at terorismo upang sa gayon ay parehas itong maiwasan. “Priority in good governance and long term investment in youth” ang kalidad na nakita ng Asia-Pacific Luminare sa ating SK chairperson.
Nakakataba po ng puso na ang ating SK Chairperson ay kinakitaan ng angking galing pagdating sa pamumuno. S’ya ang napili mula Provincial to Regional at ngayon ay National na.
Maraming salamat SK! Nawa patuloy mong bigyan pansin at maging inspirasyon sa mas marami pang kabataan.
Tunay na ipinagmamalaki ka ng Bayan ng Laur!
#MayorTupe
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#dangalnglahi2022
Copyright © 2015. Municipality of Laur, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija