Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Alkalde at Abogado ng Bayan ng Laur, Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus

Alkalde at Abogado ng Bayan ng Laur, Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus
Laur Nueva Ecija-Matapos manumpa sa tungkulin bilang bagong Mayor ng bayan ng Laur si Butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, pormal namang bumisita sa opisina nito ang dating Alkalde na si Butihing Mayor Alexander “Pogi” Daus upang personal na magpaabot ng pagbati kay Mayor Atty. Tupe Daus na siyang pinsan buo nito.
Bagama’t sila ay naglaban bilang Alkade sa bayan ito ang magpinsan ay nagpakita parin ng isang magandang halimbawa para sa kanilang mga kababayan, dahil ipinapakita rin nila na ang pamilya “DAUS” ay nagkakaisa parin sa bawat hangarin na patuloy na mas mapaunlad pa ang kanilang bayan at walang inisip kundi ang kapakanan ng kanilang mga kababayan.
Si Mayor Atty. Tupe ay kilala rin na mapagmahal sa kalikasan, kung saan siya ay lubos na nakikiisa at pasimuno sa pagtatanim mga halaman at mga punong kahoy sa kabundukan, maging sa kapaligiran man ng kanilang bayan kasama ang mga kabataan dito at siya rin ang bumuo ng isang samahan o grupo ng mga kabataan na tinatawag na “TEAM RESPECT”.
Ang grupo ng kabataang ito ay kasa-kasama ni Mayor Atty. Tupe sa layunin na alagaan ang kalikasan at panatilihing ang kalinisan ng kapaligiran sa bayan ng Laur.(Ryan Rivera)
 
Thank you again for your recognition. Headline news paper News online. To my Cousin , once again I am greatful for your contribution to our Town and most of all I am happy to everyone who supported and continues to support me. Let us travel together, be proud, show off and love the Town of Laur.