Skip to main content

AGARANG AKSYON, AGARANG TULONG | September 28, 2022

AGARANG AKSYON, AGARANG TULONG.
@Lot28 Brgy. San Isidro📍
Bakas sa mga mukha ng ating mga kababayan ang mga ngiti at pagkakaroon ng pag-asa sa ating pagpunta sa kanila.
Ang sumunod po sa lugar na pinuntahan ng ating Munisipalidad ng Laur, kasama ang MDRRMO, MSWDO, at kalahi ay ang Sitio Lot 28, Brgy San Isidro. Para po sa mga hindi nakakaalam, iisa lang ang daan upang makarating patungo sa Sitio Lot 28. Kinakailangan pa po nating lumabas sa bayan ng Laur at dumaan sa Lungsod ng Palayan. Mula roon ay may mga natumbang puno, liblib, maputik, at baku-bakong daan ang kailangang tahakin ng ating mga kawani upang makarating sa ating mga kababayan.
Hindi po biro ang pinagdaanan ng ating mga kawani para makarating sa lugar na ito, sapagkat higit isang oras din po na naglakad ang ating mga opisyal upang makarating sa ating mga kababayan sa malalayong lugar.
“Serbisyo ang lalapit sa tao, hindi tao ang lalapit sa serbisyo.”
Patunay lang ito na totoo ang mga katagang sinabi ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe”Daus at hindi lamang salitang dekorasyon. Para sa ating mga kawani na nagsakripisyo para puntahan ang ating mga kababayan, hindi hadlang ang kalayuan, abot kamay namin kayo saan man ang inyong tahanan.
Maraming salamat po sa inyong pagmamalasakit sa ating mga kababayan, saan mang panig ng Bayan ng Laur ang mga ito nakatira.
Tapos na ang unos ngunit patuloy pa rin tayo mga kababayan sa pag-aabot ng tulong sa mga lubhang nasalanta ng bagyo. Sama-sama po tayong babangon mula sa pagsubok na ito.
Maraming salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#KardingPH
#MayorTupe

Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija