Skip to main content

Acoustic Jam

Acoustics, Movie Marathon and Chill
Gusto mo ba magrelax at mag-enjoy? Tara na! May bilihan na ng foods, may movies, and acoustics pa!
Iniimbitahan po namin ang lahat na makisaya, makinig sa mga nakakaakit na musika o maki-jamming sa ating Bahay Pamahalaan na magsisimula ngayong araw.
Ito ay magaganap linggo-linggo mula Linggo hanggang Huwebes, sa ganap na 7:00-9:00 ng gabi, upang aliwin ang ating mga kababayan at mga estranghero na magmumula pa sa ibang lugar.
Kaya, ano pang hinihintay mo? Yayain na ang barkada, pamilya o kasintahan at halika na sa pailaw sa Bayan ng Laur!
 
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija