Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

6TH NECPO Meeting

Hosted by LGU Laur | June 30, 2023

Kamakailan po ay pinangunahan ng ating munisipalidad ang buwanang pagpupulong kasama ang Nueva Ecija Council of Personnel Officer o NECPO.
Ang pagpupulong pong ito ay pinangunahan ng Provincial Director ng Civil Service Commision Nueva Ecija na si Maj. Eleanor Prado at gayundin po ng NECPO officers.
Pangunahing layunin po ng pagtitipon ay upang masiguro ang patuloy na pagsunod at pagganap ng bawat HRMO’s sa itinakdang alituntunin ng bawat pamahalaan, gayundin ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon patungkol sa mga isyu at pagbabago sa CSC. (Civil Service Commission)
Nais din pong panatilihan ang ganitong gawain upang matugunan ang mga mahahalagang isyu at alalahanin sa bawat ahensya ng ating pamahalaan,
Ang ating pong Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus ay punong puno ng pagmamalaking ibinahagi ang progreso ng ating bayan sa nagdaang taon ng kanyang panunungkulan. Inilahad din po niya ang kanyang mga plano sa mga susunod pa pong taon para sa ikasasagana, ikagaganda at ikayayabong ng bayan ng Laur.
Samantala, ikinatuwa po ng lahat ng opisyal sa buong Nueva Ecija ang kinahinatnan ng nasabing pagpupulong, ngunit mas lubos po ang aming kagalakan sa pagkakataong ibinigay sa ating bayan upang maging punong abala sa ganitong uri ng aktibidad.
Maraming salamat po!