
2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023
Isinagawa ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023 na nilahukan ng lahat ng empleyado ng Munisipalidad ng Laur, Nueva Ecija katuwang ang BFP sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus dakong 9:00 ng umaga kahapon, ika- 8 ng Hunyo 2023.
Ang naturang simultaneous earthquake drill ay pinangunahan ng . ()
Ang pagsasagawa ng nationwide earthquake drill ay paghahanda sa publiko sa posibleng malakas na lindol. Paliwanag naman ng MDRRMO ay magkakaroon ng ceremonial sounding ng buzzer na nagpapahiwatig na simula na ng earthquake drill.
Ayon sa kanila, simpleng protocol lamang ito subalit makapagliligtas at mababawasan ang aksidente sakaling tumama ang lindol.
Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP), kailangan lamang na alalahanin ng bawat isa ang steps o protocols sakaling magkaroon ng lindol. Kabilang na dito ang pagiging kalmado, pagsasagawa ng ‘Duck, Cover and Hold’; lumayo sa mga bintana, salamin o mabibigat na bagay na maaaring bumagsak at sakaling wala nang pagyanig maaring lumabas ng gusali ng mahinahon at pumuwesto sa open space.
Nagbigay din ang BFP ng dagdag kaalaman at paghahanda sa iba’t ibang sangay ng mga rescue teams.