Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

1st Batch ng Gabriel C. Daus Sr. Educational Foundation


“Ang edukasyon ay mahalaga upang buhay ay guminhawa.”

Mapagpalang araw mga kababayan!
Sa patuloy na pagsuporta ng ating minamahal na Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, kahapon nga lang po ay muling namigay ng allowances sa mga 1st Batch ng Gabriel C. Daus Sr. Educational Foundation.
Anim (6) na mga iskolar po ang napagkalooban ng allowance para sa kanilang Second Semester. Ito po ay makatutulong sa kanilang pag-aaral at sa iba pang mga pangangailangan.
Hangad po ng ating Punong Bayan na makamit ng ating mga iskolar ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay katuwang ang Gabriel C. Daus Sr. Educational Foundation.
Nawa ay pagbutihan pa ninyo ang inyong pag-aaral dahil ang inyong tagumpay ay tagumpay rin ng ating bayan.
Maraming Salamat po!
#mayortupe
#LAURNUEVAECIJA