
Celebrating International Day of persons with Disabilities
Ang International Day of Persons with Disabilities ay nakamarka na sa ika-3 ng Disyembre bawat taon, ito ay may layuning isulong ang empowerment, at tumulong na magkaroon ng pagkakataon para sa mga taong may kapansanan. Pinahuhusay nito ang kanilang sariling mga kakayahan at sinusuportahan sila sa pagtatakda ng kanilang sariling mga priyoridad. Kasama din dito ang kalusugan, nutrisyon, edukasyon, at proteksyong panlipunan.
Bilang pakikiisa at pagbibigay ng malasakit sa ating mga mahal na PWD, sinimulang nang ibahagi ang bawat assistive devices sa ating mga PWD recipients bilang pakikiisa sa celebration of International Day of PWD.
“First Distribution of Assistive Divices in LGU Laur”
“Huwag n’yong isipin na ang kapansanan ay kahinaan dahil may nka-alalay sa inyo ang ating Bahay Pamahalaan”
Nakakataba po ng puso ang programang ito dahil ito ang PINAKAUNANG BESES na nakibahagi ang LGU Laur para sa ating mga PWD, ito ay dahil sa suporta ng ating minamahal na Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang ating OIC-MSWDO Jezreel DF. Talanay, Chairman Committee on PWD Coun. Guillermo S. Mariano at PWD Presidents ng bawat barangay ng Laur.
Asahan po natin na isa lamang ito sa mga hakbang para sa pagpaparating ng magandang balita sa ating mga kababayang PWD. Tuluy-tuloy lamang ang pag-unlad ng Bayan ng Laur!
Maraming Salamat po.
#MayorTUPE
#LAURNuevaEcija
#RESPECT
#PWD2022